Ikaw at ako, at bawat iba pang tao sa planetang Earth ay may tatlong pangunahing pangangailangan: ang pangangailangang mahalin, ang pangangailangang kailanganin, at ang pangangailangang matanggap.
Paano kung sabihin ko sa iyo na alam ko kung paano mo matutugunan ang lahat ng tatlong pangangailangang iyon?
Paano kung sabihin ko sa iyo na hindi ako nagbebenta ng isang bagay?
Paano kung sabihin ko sa iyo na ang tatlong pangangailangan na ito ay hindi maaaring makuha, dahil ang mga ito ay regalo lamang?
May punto sa buhay ko na wala akong kapayapaan, pag-asa at layunin na tinatamasa ko ngayon. Tinitingnan ko ang mundo na umaasang may higit pa sa buhay kaysa dito.
Ngunit may naglaan ng oras para sabihin sa akin ang tungkol sa isang Diyos na lubos na nagmamahal sa akin at may layunin at pag-asa para sa aking buhay. Ito ay hindi isang malayong Diyos, ngunit isang Diyos na nagnanais na mamuhay akong kasama Niya magpakailanman sa langit balang araw kapag ako ay mamatay.
Pero mayroon akong problema. Ang langit ay perpekto at ako ay hindi! Kaya hindi ako makapasok sa langit. Ngunit ang Diyos na ito ay gumawa ng paraan para sa akin sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Hesukristo na pumarito sa lupa upang mamatay para sa aking kasalanan. At pagkatapos ng 3 araw, Siya ay bumangon muli, na nagpapatunay na tunay Siya.
Kaya't inimbitahan ko si Hesus na umupo sa driver's seat ng aking buhay. Hiniling ko sa Kanya na patawarin ako sa nagawa kong mali, at humingi sa Kanya ng kapangyarihang mabuhay para sa Kanya, at hindi para sa aking sarili.
At alam mo ba kung ano ang nangyari? Nakatanggap ako ng bagong pag-asa, kapayapaan at layunin. Ito ay supernatural. At hindi pa ito tumitigil!
Handa ka na ba sa panibagong simula ng buhay? Sinasabi ng Bibliya na kapag ipinagtapat natin si Hesus bilang amo/Panginoon ng ating buhay, tayo ay isang bagong nilalang... ang mga lumang bagay ay lumilipas at ang lahat ay nagiging bago!
"Ano ang makahahadlang sa iyo sa pagsuko ng iyong buong buhay kay Hesus ngayon?"
Takot? Kawalang-katiyakan? Peer pressure? O simple lang, baka iniiwasan mong isipin ang mga walang katapusang isyu? Marahil ay iniisip mo na ang Diyos ay napakaraming iba pang mahahalagang isyu na dapat harapin.
Narito ang magandang balita. Mahal ka ng Diyos! At kung ipagtatapat natin ang ating mga kasalanan kay Hesus, patatawarin Niya silang lahat... ganun yun... gaano man kalaki o kaliit ang kasalanan. Bakit ka magsusugal at maghihintay?
Makinig habang sinasabi sa atin ng ABCs kung paano makarating sa langit:
Admitin kong mali ang ginawa ko. Ako ay makasalanan. At hindi maaaring hayaan ng Diyos ang kahit isang maliit na kasalanan sa langit, o hindi na ako makakarating ng langit.
Bumi-lieve sa aking puso na si Hesus ay literal na dumating upang mamatay para sa aking mga kasalanan, at muling nabuhay, na nagpapatunay na Siya ay tunay.
I-confess ang aking kasalanan at humingi ng Kanyang dakilang kapatawaran. Maging handang tumalikod sa anumang kasalanan sa tulong ng Diyos. Aminin si Hesus bilang aking Panginoon at Tagapagligtas... aking amo.
Hindi mo maaaring linisin ang iyong buhay bago ka lumapit sa Diyos. Dapat kang dumating kung ano ka. Hindi Siya humahanga sa ating kalinisan o mabubuting gawa, dahil Siya ay ganap na walang kasalanan. Inaanyayahan niya tayong mapatawad at malaya!
Kaya, ano sa palagay mo? Ano ang makahahadlang sa iyo sa paghiling kay Jesus na maging hari ng iyong buhay ngayon? Wala?
Kung gayon, ipagdadasal mo ba ang panalanging ito mula sa iyong puso ngayon?
Idasal mo ito nang malakas ngayon kung maaari mong sabihin ito mula sa iyong puso:
"Mahal na Hesus,
Inaamin kong nagkamali ako, at ako ay makasalanan. Humihingi ako ng patawad sa aking kasalanan. Naniniwala akong namatay Ka para sa akin at muling nabuhay. Kaya ipagtapat ko ang aking mga kasalanan sa iyo. Patawarin mo sana ako at bigyan mo ako ng bagong simula. Hinihiling ko sa Iyo na maging amo at Panginoon ng aking puso. Tulungan mo ako ngayon na mabuhay para sa Iyo. Nagpapasalamat ako sa Iyong dakilang pagmamahal at pagpapatawad. Idinadalangin ko ito sa pangalan ni Hesus... amen!"
Kung taos-puso mong binigkas ang panalangin na iyon, narinig ka ng Diyos ngayon. Pinatawad ka na Niya sa lahat ng mga kasuklam-suklam at makasalanang bagay na nagawa mo. Maliit man o malaki ang iyong kasalanan, ito ay pinatawad na. At ngayon, mayroon kang bagong simula... isang malinis na talaan!
At narito kung paano mo mapapanatiling sariwa at matatag ang pagmamahal na ito sa Diyos:
Basahin ang iyong Bibliya at manalangin araw-araw. Hinihikayat kitang magsimula sa pagbabasa ng aklat ni San Juan. Sasabihin nito sa iyo ang lahat tungkol kay Hesus at ang Kanyang kahanga-hangang pagmamahal para sa iyo. At ang panalangin ay simpleng pakikipag-usap sa Diyos. Pasalamatan Siya sa mabubuting bagay sa iyong buhay, at humingi sa Kanya ng karunungan sa mahihirap na bagay sa buhay.
Humanap ng simbahan na dadaluhan na naniniwala sa katotohanan ng Bibliya, at nangangaral tungkol sa personal na pagkilala kay Hesus tulad ng ginagawa mo ngayon. Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng isa, mag-email sa akin at tutulungan kita.
Magpabinyag sa tubig. Makakatulong ito na i-seal ang kasunduan sa iyong puso at magiging mas matibay ang iyong pangako. Matutulungan ka ng iyong simbahan dito.
Mapuspos ng Banal na Espiritu. Hilingin sa Diyos na puspusin ka araw-araw ng Kanyang Espiritu, at ipagkaloob ang Kanyang mga regalo sa iyo. Ang unang 5 kabanata ng aklat ng Mga Gawa ay makakatulong sa iyo.
Sabihin sa ibang tao hangga't maaari ang tungkol sa iyong panalangin ngayon, at kung paano ka pinatawad ni Jesus.
Isa pa, mag-eemail ka ba sa akin ngayon sa frostygrapes@oasiswm.org, at sabihin sa akin ang iyong desisyon na gawin si Hesus na hari ng iyong puso? Marahil ito ang unang pagkakataon na nagawa mo ito, o baka naligaw ka sa espirituwal at ngayon ay nakauwi na. Sa anumang kaso, gusto kong marinig mula sa iyo.
Narito ang ilang Website na tutulong sa iyong lumago sa iyong bago at kapana-panabik na pananampalataya:
www.needhim.org, www.oneminutewitness.org, at www.oasisworldministries.org.